Eraserheads — Magasin

[Intro] Oooh, oooh, oooh Oooh, oooh, oooh, oooh [Verse 1] Nakita kitang sa isang magasin Dilaw ang 'yong suot At buhok mo'y green Isang tindahan sa may Baclaran Napatingin, natulala Sa 'yong kagandahan [Verse 2] Naaalala mo pa ba noong Tayo pang dalwa? 'Di ko inakalang sisikat ka Tinawanan pa kita Tinawag mo akong walang hiya! Medyo pangit ka pa noon Ngunit ngayon [Chorus] Hey! Iba na ang 'yong ngiti Iba na ang 'yong tingin Nagbago nang lahat sa'yo Hooo, hooo Sana'y hindi nakita Sana'y walang problema Pagkat kulang ang dala 'kong pera [Post-Chorus] Pambili, oooh Pambili sa mukha mong maganda [Verse 3] Siguro ay may kotse ka na ngayon Rumarampa sa entablado Damit mo'y gawa ni Sotto Siguro'y malapit kana ring sumali Sa supermodel of the Whole Wide Universe Kasi [Chorus] Iba na ang 'yong ngiti Iba na ang 'yong tingin Nagbago nang lahat sa'yo Hooo, hooo Sana'y hindi nakita Sana'y walang problema Pagkat kulang ang dala kong pera [Guitar Solo] [Verse 4] Nakita kita sa isang magasin At sa sobrang gulat 'di ko napansin Bastos pala ang pamagat Dali-dali ang binuklat At ako'y namulat Sa hubad na katotohanan [Chorus] Hey! Iba na ang 'yong ngiti Iba na ang 'yong tingin Nagbago nang lahat sa'yo Hooo, hooo Sana'y hindi nakita Sana'y walang problema Pagkat kulang ang dala 'kong pera [Chorus] Hey! Iba na ang 'yong ngiti Iba na ang 'yong tingin Nagbago nang lahat sa'yo Hooo, hooo Sana'y hindi nakita Sana'y walang problema Pagkat kulang ang dala kong pera Sa pambili, oooh Pambili sa mukha mong maganda [Outro] Nasaan ka na kaya? Sana ay masaya Sana sa susunod na issue Ay centerfold ka na Oooh, oooh, oooh Oooh, oooh, oooh, oooh Oooh, oooh, oooh, oooh, oooh


Other Eraserheads songs:
all Eraserheads songs all songs from 1994