Noong unang panahon
Ang langit at lupa'y magkaratig halos
Laganap ang tuwa
Kapag sa banga ni butil ay wala
Ang gubat at ilog may handang biyaya
Noong unang panahon ang sikat ng araw
Ay nagpapalago sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon kay init ng darang
Ilog tinutuyo parang tinitigang
Noong unang panahon ang patak ng ulan
Pinasasariwa dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit may hanging kasabay
May bahang kasunod na nakamamatay
Noong unang panahon ang puso ng tao'y
Marunong magmahal hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y laang makisalo
Layo'y pumayapa at hindi manggulo
Pati na ang langit na dati'y kay baba
Ay nagpakalayo sa ulilang lupa
Bathala gumising tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa
Noong unang panahon
Ang langit at lupa'y magkaratig halos
Laganap ang tuwa
Bathala gumising tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa (noong unang panahon)
Noong unang panahon (noong unang panahon)
Noong unang panahon (noong unang panahon)
Noong unang panahon (noong unang panahon)
Other Leah Navarro songs:
all Leah Navarro songs all songs from 1978