Various Artists — Awit ng Bagong Taon

[Verse 1] Dapat bang balikan ang mga kaganapan ng taong nagdaan? Bangayan, banggaan, awayan, hiwalayan, turuan, duruan Kawalan ng kabuhayan 'Di pagkakaunawaan Hanggang saan? (Hanggang saan?) Hanggang kailan? (Hanggang kailan?) Ang 'di mo alam may pag-asa na nakalaan May ilaw na masisilayan Kung ang paningin lang natin ang papalitan Gaganda ang sama-sama nating kinabukasan [Chorus] Bagong pananaw, bagong pagsulong Bagong panimula, bagong pagbangon Bagong handog sa atin ng Panginoon (Panginoon) Bagong pagkakataon, bagong taon [Post-Chorus] Woahhh, woahhh Woahhh, woahhh [Verse 2] Sana'y pagbibigayan at kapatawaran Ang siyang maghari sa 'ting bayan Kung ang hanapin natin sa mundo'y kabutihan Magandang bukas ang ating maaasahan Ang bawat isa sa 'tin ay may kagandahan Kung bubuksan lang ang puso't isipan Magpasalamat sa mga aral nating natutuhan (Natutuhan) Mukhang may pagbabagong tunay na masaksihan [Chorus] Bagong pananaw, bagong pagsulong Bagong panimula, bagong pagbangon Bagong handog sa atin ng Panginoon Bagong pagkakataon, bagong taon [Bridge] Buong mga kapatid, 'wag na po sana tayo magsisihan ('Wag magsisihan) Tulungan, damayan, alalayan, pagbibigayan (Pagbibigayan) Tunay na pagmamahalan (Pagmamahalan) ang ating kailangan (Kailangan) Saan pa man, kailan pa man [Chorus] Bagong pananaw, bagong pagsulong Bagong panimula, bagong pagbangon Bagong handog sa atin ng Panginoon Bagong pagkakataon, bagong taon Bagong pananaw, bagong pagsulong Bagong panimula, bagong pagbangon (Bagong pagbangon) Bagong handog sa atin ng Panginoon Bagong pagkakataon, bagong taon [Post-Chorus] Bagong pagkakataon (Wooaahhh, wooaahh) Bagong taon (Wooaahhh, wooaahh) Bagong taon (Wooaahhh, wooaahh) Bagong taon (Wooaahhh, wooaahh) Bagong taon [Outro] Bagong pagkakataon, bagong taon


Other Various Artists songs:
all Various Artists songs all songs from 2020