Yano (PHL) — Naroon

[Koro] Liparin mo sa ulap Sisirin mo sa dagat Hukayin mo sa lupa Baka naroon ang kalayaan [Verse 1] Tayo ba'y mga tau-tauhan Sa isang dulang pangkalawakan? Mga anino ng nakaraan Alipin ng kinabukasan [Koro] Liparin mo sa ulap Sisirin mo sa dagat Hukayin mo sa lupa Baka naroon ang kalayaan [Verse 2] Tayo ba'y mga saranggola Na nilalaro sa himpapawid? Makakawala ba sa pagkakatali Kapag pinutol mo ang pisi? [Koro] Liparin mo sa ulap Sisirin mo sa dagat Hukayin mo sa lupa Baka naroon ang kalayaan [Verse 3] Tayo ba'y mga sunud-sunuran Sa takda ng ating kapalaran Kaya ba nating paglabanan Mga sumpa ng kasaysayan [Koro] Liparin mo sa ulap Sisirin mo sa dagat Hukayin mo sa lupa Baka naroon ang kalayaan


Other Yano (PHL) songs:
all Yano (PHL) songs all songs from 1994