Eraserheads — Kailan Lounge

[Verse 1] Kailan mo ako hahagkan Matagal na akong naghihintay Nakadungaw sa bintana Mga dahon lang ang kumakaway [Refrain] Kailan ko madaramdaman Pagdampi ng iyong labi Tinatanong ko ang mga bituin Mga luhang humahalik sa aking pisngi [Verse 2] Kailan ako tatahan Higpit ng yakap ng dibdib Nakatingin ako sa salamin May guhit sa noo Mapait ang ngiti [Refrain] Kailan ko madaramdaman Pagdampi ng iyong labi Tinatanong ko ang mga bituin Mga luhang humahalik sa aking pisngi [Bridge] Kailan ko masisilayan Sa araw-araw aking mahal Mula paggising hanggang sa pag-idlip Kagandahan mo'y walang patid [Verse 1] Kailan mo ako hahagkan Matagal na akong naghihintay Nakadungaw sa bintana Mga dahon lang ang kumakaway [Refrain] Kailan ko madaramdaman Pagdampi ng iyong labi Tinatanong ko ang mga bituin Mga luhang humahalik sa aking pisngi [Outro] Kailan ako lalaya Sa anino ng pag-iisa Mga rehas lang ang tanaw Nanginginig sa seldang maginaw Wooh, oh!


Other Eraserheads songs:
all Eraserheads songs all songs from 1994