Yano (PHL) — Kaka

[Verse 1] Sa gitna ng dilim, si Kaka'y nangangapa Nagpumilit makakuha, posporo at kandila Sa kasamaang palad ay iba ang nakapa Malambot, mamasa-masa, malagkit at malata, eh [Verse 2] Sumibad siya pa-kusina, maghuhugas ng kamay niya Walang tubig sa gripo, kaya't sa banyo dumiretso Eh, minalas nga naman, natapakan ang sabon Si Kaka ay nadulas, puwit nya ay nagasgas [Koro] Eh kasi, walang kuryente Brownout, walang kuryente Wala, wala, walang kuryente Wala, walang kuryente Kasi walang kuryente Brownout, walang kuryente Wala, wala, wala, wala, wala [Verse 3] Palabas siya ng banyo nang matapakan si Muning Katakot-takot na kalmot, si Kaka'y napadaing (Aray!) Umakyat siya sa hagdan pero bago makarating Nakatapak ng thumbtacks Gumulong at nagkaduling-duling [Koro] Eh kasi, walang kuryente Brownout, walang kuryente Wala, wala, walang kuryente Wala, walang kuryente Kasi walang kuryente Brownout, walang kuryente Wala, wala, wala, wala, wala [Verse 4] Lumabas siya ng bahay, doon sa kalye nagpahangin At galit na tinadyakan ang aso ni Mang Gusting Eh, nandun pala si Mang Gusting na siga sa lugar namin (Hoy!) Ang kawawang si Kaka, sa ospital nakarating [Koro] Eh kasi, walang kuryente Brownout, walang kuryente Wala, wala, walang kuryente Wala, walang kuryente Kasi walang kuryente Brownout, walang kuryente Wala, wala, wala, wala, wala Eh kasi, walang kuryente Brownout, walang kuryente Wala, wala, walang kuryente Wala, walang kuryente Kasi walang kuryente Brownout, walang kuryente Wala, wala, wala, wala, wala


Other Yano (PHL) songs:
all Yano (PHL) songs all songs from 1994