Yano (PHL) — Mc’Jo

[Verse 1] Nung summer, nag-apply akong waiter Sa fast food center para may masuot naman Akong ibang pantalon Dalawang buwan kaming pinahirapan Ang daming dinaanan Tatlong interview, tatlong meeting Tatlong linggong training [Koro] Nasayang lang ang oras ko Nasayang lang pera ng nanay ko Ang bigat-bigat ng trabaho Ang gaan-gaan ng sweldo [Verse 2] Dami kong gastos Sando, medyas, sapatos Mga papeles na inayos Barangay, NBI, police clearance At medical certificate [Koro] Nasayang lang ang oras ko Nasayang lang pera ng nanay ko Ang bigat-bigat ng trabaho Ang gaan-gaan ng sweldo [Verse 3] Nag-resign ako, wala pang isang linggo Hindi ako kabayo! Mga gastos ko, pinambili na lang sana ng pantalon [Koro] Nasayang lang ang oras ko Nasayang lang pera ng nanay ko Ang bigat-bigat ng trabaho Ang gaan-gaan ng sweldo Nasayang lang ang oras ko Nasayang lang pera ng nanay ko Ang bigat-bigat ng trabaho Ang gaan-gaan ng sweldo [Outro] Nasayang lang, nasayang lang Nasayang lang, nasayang lang Nasayang lang, nasayang lang Nasayang lang, nasayang lang Nasayang


Other Yano (PHL) songs:
all Yano (PHL) songs all songs from 1994